Mahirap nga ba ang ABM? Honestly, wala namang madali na strand. Lahat ng strand ay may kanya kanyang strengths. Maraming nagsasabi na ang ABM daw ay mahirap, puro maths, nakakabaliw at marami pang iba. Sa aking opinyon, wala namang madali. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Lahat ng bagay ay natututunan. Iniisip lang ng iba sa atin na mahirap, na hindi kaya, na “hindi ako pwede dyan kasi hindi ako magaling sa math”. Sa tingin ko, walang mahirap para sa taong pursigido, may sipag at tiyaga. Kung mayroon kang pagsisikap at pangarap, magiging madali lang ito para sa iyo.

Hindi ko alam kung bakit napili ko ang ABM strand. Nagtanong ako sa iba kung saan bang strand dapat ako mapunta dahil gusto kong maging flight attendant. Maraming nagsasabi na sa HUMSS, HE, GAS AT ABM. Naisip ko na mas okay sa ABM dahil mas marami pa akong matututunan sa ibang field hindi lang tungkol sa pagiging flight attendant. Sa ABM, matututunan mo kung pano makipagkomunikasyon sa iba’t ibang tao. Matututunan mo ang mga bagay bagay patungkol sa negosyo, pera at management. Sa ABM, matututunan ang kahalagahan ng negosyo sa ating lipunan. Magiging madiskarteng consumer ka dahil sa ABM. Marahil puro ito patungkol sa pera at sa negosyo pero alam naman natin na ito ang ating kailangan at ito ang makatutulong sa atin para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Sa ABM din, matututunan mo kung paanong huwag sumuko para sa pangarap.

” Not everything in life is easy. In life, you need to experience challenges before you can achieve your dream. Never give up on something you really want. Let us all remember that, good things come to those who believe, better things come to those who are patient and the best things come to those who don’t give up. This is my ASSET and I always remember this line in my mind. “

– Reign Bernadine C. Reyes

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.